Biyernes, Hulyo 15, 2011

ANG GANAP NA MANANAMPALATAYA

GINAWANG ARALIN NI : Brother. Abdul Aziz Serna


AUDHO BILLAHI MINASHAITANER RAJIIEM

BISMILLAH HIRRAH MANIRAHIEM

ALHAMDULLILAH RABBIL ALAMIN

WASALATO WASALAMO WA MUHAMMADIN

WA LA ALI WA SABI’IH A JIMAIN A MABAD

ASSALAMU ALAYKUM WARAH MATULAHI WA BARAKHATU





ANG GANAP NA MANANAMPALATAYA




 
Ang isang mananampalataya ay hindi yaong nagsagawa ng mga ipinag-uutos na mga tungkuling panlabas at pagtalikod sa mga ipinagbabawal lamang. Subali’t siya ay ang nagtataglay ng katapatan sa pananalig, walang pagtanggi na umuusbong mula sa kanyang puso at walang pangingimbulo na nanahan sa kanyang puso. Habang nakararanas siya ng kahirapan, lalong tumitibay ang kanyang pananalig at lalong tumatatag ang kanyang pagsuko at pagsunod sa Allah.


Nagdadasal siya na walang nakikitang bakas ng kasagutan sa kanyang mga panalangin, nguni’t hindi siya nagbabago sapagka’t batid niya na angkin siya ng tanging Nag-iisa na siyang uusig sa kanya sa anumang landas na kanyang tatahakin. Kung may pagtanggi na uusbong mula sa kanyang puso, kanyang isasangtabi ang gawain ng isang alipin at gagampanan ang tungkulin isang manunuligsa katulad ng kay Iblis (Satanas)


Ang matibay na pananalig ay mapapag-alaman pagdating ng malaking paghihirap at sulirananin.


Ang isang maniniwala ay makikita kay Yahya, anak ni Zakariyya, ang isang malinaw na huwaran. Pinatay siya ng isang mang-aapi na sumalungat sa kanya, subali’t Siya, na siyang nagsugo sa kanya bilang propeta ay hindi nakialam o ipinagtanggol man lamang siya.


Katulad din ito sa lahat ng mang-aapi sa mga propeta at ang mga mananampalataya ay hindi natakot sa kanila. Kung may isang nag-iisip na ang Kabanalan ay walang halaga sa kanila, siya ay hindi nananampalataya. Ganoon din kapag naniniwalang ang Kabanalan ay makakasagot sa kanila bagama’t piniling hindi sagutin ito, at ang AllahU ay maaring pabayaang magutom ang mga sumasampalataya habang ang mga hindi naniniwala ay busog at bigyang sakit at suliranin ang mga naniniwala at pagkalooban ng magandang kalusugan ang mga hindi naniniwala. Sa pagkakataong ito, walang naiwan maliban sa pagsuko at pagtalima sa Nag-aangkin sa kanya maging sa oras ng kahirapan o tagtuyot.


Si Jacob ay nag-iiyak ng walong taon ng pumanaw si Jose (nawa’y iligtas at pagpalain siya ng Allah), kailan man ay hindi siya sumuko. Ang tanging sinabi niya nang pumanaw din ang iba pa niyang mga anak ay: “Nawa’y muling ibalik sila ng Allah sa akin.”


Si Moises (nawa’y iligtas at pagpalain siya ng Allah) nang nagdasal siya laban kay Pharoah, na siyang pumatay sa mga bata at nagpako sa cross sa mga Mahikero at pinutol ang kanilang mga kamay, pagkatapos ng 40 taon bago siya sinagot.


Sa ating pagsuko at pagtalima, ang kaganapan ng matibay na paniniwala ay matutunghayan hindi sa pagyukod sa salah.


Marami sa mga tumatanggap sa Qadar (ang kahihinatnan) ay nakaranans ng mga suliranin subali’t hindi ito nakapagbabago sa kanila maliban sa lalong tumatatag ang kanilang pagsuko at pagtalima at nalulugod na makasama ang kanilang panginoon. At naririto ang pagpapaliwanag sa kahulugan ng Kanyang mga salita:


Sinabi ng Allah:


Ang Allah ay magwiwika:

"هذا هو اليوم الذي سيعود بالفائدة على المؤمنين ولائهم، يكون معهم جنات تجري من تحتها الأنهار و (الجنة) -- تعيش فيها هنا الى الابد. رضي الله عنهم، وهم أيضا به. هذا النجاح العظيم (الجنة). [القرآن 5:119]



“Ito ang Araw na ang mga matatapat ay makikinabang sa kanilang katapatan; sasakanila ang Halamanan na sa ilalim nito ay may mga ilog na nagsisidaloy (Paraiso) – sila ay mananahan dito magpakailanman. Ang Allah ay nalulugod sa kanila at sila ay gayundin sa Kanya. Ito ang dakilang tagumpay (Paraiso). [Qur’an, 5:119]


Sinabi ni Al-Hasan Al-Basree:


"الناس هي نفسها في مجال الصحة ولكن عندما صعوبة لهم، فإنهم سوف تحدث فرقا."



“Ang mga tao ay magkakapareho sa kalusugan subali’t kapag dumating ang kahirapan sa kanila, magkakaroon sila ng pagkakaiba.”

ANG GANAP NA MANANAMPALATAYA

GINAWANG ARALIN NI : Brother. Abdul Aziz Serna


AUDHO BILLAHI MINASHAITANER RAJIIEM

BISMILLAH HIRRAH MANIRAHIEM

ALHAMDULLILAH RABBIL ALAMIN

WASALATO WASALAMO WA MUHAMMADIN

WA LA ALI WA SABI’IH A JIMAIN A MABAD

ASSALAMU ALAYKUM WARAH MATULAHI WA BARAKHATU





ANG GANAP NA MANANAMPALATAYA




Ang isang mananampalataya ay hindi yaong nagsagawa ng mga ipinag-uutos na mga tungkuling panlabas at pagtalikod sa mga ipinagbabawal lamang. Subali’t siya ay ang nagtataglay ng katapatan sa pananalig, walang pagtanggi na umuusbong mula sa kanyang puso at walang pangingimbulo na nanahan sa kanyang puso. Habang nakararanas siya ng kahirapan, lalong tumitibay ang kanyang pananalig at lalong tumatatag ang kanyang pagsuko at pagsunod sa Allah.


Nagdadasal siya na walang nakikitang bakas ng kasagutan sa kanyang mga panalangin, nguni’t hindi siya nagbabago sapagka’t batid niya na angkin siya ng tanging Nag-iisa na siyang uusig sa kanya sa anumang landas na kanyang tatahakin. Kung may pagtanggi na uusbong mula sa kanyang puso, kanyang isasangtabi ang gawain ng isang alipin at gagampanan ang tungkulin isang manunuligsa katulad ng kay Iblis (Satanas)


Ang matibay na pananalig ay mapapag-alaman pagdating ng malaking paghihirap at sulirananin.


Ang isang maniniwala ay makikita kay Yahya, anak ni Zakariyya, ang isang malinaw na huwaran. Pinatay siya ng isang mang-aapi na sumalungat sa kanya, subali’t Siya, na siyang nagsugo sa kanya bilang propeta ay hindi nakialam o ipinagtanggol man lamang siya.


Katulad din ito sa lahat ng mang-aapi sa mga propeta at ang mga mananampalataya ay hindi natakot sa kanila. Kung may isang nag-iisip na ang Kabanalan ay walang halaga sa kanila, siya ay hindi nananampalataya. Ganoon din kapag naniniwalang ang Kabanalan ay makakasagot sa kanila bagama’t piniling hindi sagutin ito, at ang AllahU ay maaring pabayaang magutom ang mga sumasampalataya habang ang mga hindi naniniwala ay busog at bigyang sakit at suliranin ang mga naniniwala at pagkalooban ng magandang kalusugan ang mga hindi naniniwala. Sa pagkakataong ito, walang naiwan maliban sa pagsuko at pagtalima sa Nag-aangkin sa kanya maging sa oras ng kahirapan o tagtuyot.


Si Jacob ay nag-iiyak ng walong taon ng pumanaw si Jose (nawa’y iligtas at pagpalain siya ng Allah), kailan man ay hindi siya sumuko. Ang tanging sinabi niya nang pumanaw din ang iba pa niyang mga anak ay: “Nawa’y muling ibalik sila ng Allah sa akin.”


Si Moises (nawa’y iligtas at pagpalain siya ng Allah) nang nagdasal siya laban kay Pharoah, na siyang pumatay sa mga bata at nagpako sa cross sa mga Mahikero at pinutol ang kanilang mga kamay, pagkatapos ng 40 taon bago siya sinagot.


Sa ating pagsuko at pagtalima, ang kaganapan ng matibay na paniniwala ay matutunghayan hindi sa pagyukod sa salah.


Marami sa mga tumatanggap sa Qadar (ang kahihinatnan) ay nakaranans ng mga suliranin subali’t hindi ito nakapagbabago sa kanila maliban sa lalong tumatatag ang kanilang pagsuko at pagtalima at nalulugod na makasama ang kanilang panginoon. At naririto ang pagpapaliwanag sa kahulugan ng Kanyang mga salita:


Sinabi ng Allah:


Ang Allah ay magwiwika:

"هذا هو اليوم الذي سيعود بالفائدة على المؤمنين ولائهم، يكون معهم جنات تجري من تحتها الأنهار و (الجنة) -- تعيش فيها هنا الى الابد. رضي الله عنهم، وهم أيضا به. هذا النجاح العظيم (الجنة). [القرآن 5:119]



“Ito ang Araw na ang mga matatapat ay makikinabang sa kanilang katapatan; sasakanila ang Halamanan na sa ilalim nito ay may mga ilog na nagsisidaloy (Paraiso) – sila ay mananahan dito magpakailanman. Ang Allah ay nalulugod sa kanila at sila ay gayundin sa Kanya. Ito ang dakilang tagumpay (Paraiso). [Qur’an, 5:119]


Sinabi ni Al-Hasan Al-Basree:


"الناس هي نفسها في مجال الصحة ولكن عندما صعوبة لهم، فإنهم سوف تحدث فرقا."



“Ang mga tao ay magkakapareho sa kalusugan subali’t kapag dumating ang kahirapan sa kanila, magkakaroon sila ng pagkakaiba.”

ANG MENSAHE NG HUWAD NA RELIHIYON

GINAWANG ARALIN NI : Brother . Abdulazziz Serna


AUDHO BILLAHI MINASHAITANER RAJIIEM

BISMILLAH HIRRAH MANIRAHIEM

ALHAMDULLILAH RABBIL ALAMIN

WASALATO WASALAMO WA MUHAMMADIN

WA LA ALI WA SABI’IH A JIMAIN A MABAD

ASSALAMU ALAYKUM WARAH MATULAHI WA BARAKHATU





ANG MENSAHE NG HUWAD NA RELIHIYON




Maraming sekta, kulto, relihiyon, pilosopiya at kilusan sa daigdig ang nag-aangkin ng tamang landas o ng tanging daan patungo sa Diyos. Paano malalaman ng sinuman kung sino ang tama o kung sila kayang lahat ay tama? Ang paraan upang malaman ang kasagutan ay ang pagbibigay liwanag sa mababaw na pagkakaiba sa mga itinuturo ng maraming nag-aangkin sa tunay na katotohanan, at kilalanin kung ano at sino ang kanilang sinasamba na kanilang itinuturo, tuwiran man o hindi. Ang mga huwad na relihiyon ay may iisang batayan sa pagkakilala sa Diyos. Sila ay nagpapahayag na ang lahat ng tao ay Diyos, o kaya’y may mga natatanging tao na naging Diyos, o kaya’y ang kalikasan ay ang Diyos o kaya’y ang Diyos ay isang bungang-isip lamang ng tao.



Kaya naman masasabi natin na ang puntong mensahe ng huwad na relihiyon ay ang pagsamba sa Allāh (SWT) sa pamamagitan ng pagsamba sa Kanyang mga nilikha. Ang mga huwad na relihiyon ay nag-aanyaya sa mga tao sa pagsamba sa nilikha at tinatawag nilang Diyos ang nilikhang ito o kaya’y bahagi nito. Bilang halimbawa, si Propeta Hesus (AS) ay inanyayahan niya ang kanyang mga tagasunod sa pagsamba sa Allāh (SWT), subali’t ang mga taong nagsasabing tagasunod niya ngayon ay nag-aanyaya sa tao na sambahin si Hesus (AS), at nagsasabi na siya ay Diyos.

Si Buddha ay nagsagawa ng maraming pagbabago tungkol sa makataong panuntunan sa relihiyon ng India. Hindi niya inangkin na siya ay Diyos, ni hindi siya nagsabi sa kanyang mga tagasunod na siya’y sambahin. Gayunman hanggang sa mga araw na ito, karamihan sa mga Budismo na matatagpuan sa labas ng India ay tinatanggap siya bilang Diyos at nagpapatirapa sa mga rebulto na kanilang ginawa sa pagkakilala sa kanyang wangis. Sa paggamit ng naturang panuntunan na makilala ang paksa ng pagsamba, kapansin-pansin ang huwad na relihiyon at maliwanag ang likas na pinagmulan nito. Gaya

ng nasasaad sa Banal na Qu’rān:



"العبادة لديك سواه هي أسماء وهمية والتي أسلافك التي لم يتم إرسالها مع موافقة الله. النظام هو الله : لقد أمرت لك لعبادته ، وهذا هو الدين الصحيح، ولكن معظم الناس غير قادرين على الشعور ". (سورة يوسف 00:40)



“Ang inyong sinasamba bukod sa Kanya ay mga pangalan na kathang-isip ninyo at ng inyong mga ninuno na hindi ipinadala ng Allāh na may kapahintulutan. Ang kautusan ay sa Allāh lamang: Siya ay nag-utos sa inyo na sambahin lamang Siya; Ito ang tunay na relihiyon, subali’t karamihan sa tao ay hindi nakaka-unawa”. (Sūrah Yūsuf 12:40)



Maaaring ipangat'wiran na lahat ng mga relihiyon ay nagtuturo ng mga mabuting bagay, kaya’t bakit pa mahalaga kung alin man sa kanila ang susundin? Ang kasagutan dito ay lahat ng mga huwad na relihiyon ay nagtuturo ng pinakamalaking kasalanan: Ang pagsamba sa nilikhang bagay. Ang pagsamba sa nilikha ay ang pinakamabigat na kasalanan na magagawa ng tao dahil ito ay sumasalungat sa mismong layunin ng Kanyang pagkakalikha. Ang tao ay nilikha upang sambahin lamang ang nag-Iisang Diyos , ang Allāh (SWT) at ito ay maliwanag na sinasabi ng Allāh (SWT) sa Banal na Qur’ān:



واضاف "وأنا خلقت الجن وإلا كنت رجلهم في العبادة". (سورة الذاريات 51:56)



“At Aking nilikha lamang ang Jinns at ang Tao upang Ako ay kanilang sambahin”. (Sūrah Adh-Dhāriyāt 51:56)



Samakat’wid, ang pagsamba sa nilikha na nagbibigay diwa sa pagsamba sa diyus-diyosan ay ang tanging kasalanan na hindi mapapatawad. Ang sinuman na namatay sa ganitong uri ng pagsamba ay hindi pinapatawad ng Allāh (SWT) at wala na siyang pagkakataon na makapasok sa Paraiso. Ito ay hindi haka-haka lamang, bagkus ito ay tunay na ipinahayag sa tao ng Allāh (SWT) sa Kanyang Huling Kapahayagan:

"الله تعالى لا يغفر توفير شركاء معه، لكنه غفر خطايا أيا كان إلى جانب غيرها من يشاء إلى". (سورة

ان- سورة النساء 4:48 و 116



“Katotohanan hindi pinapatawad ng Allāh ang pagbibigay ng katambal sa Kanya, subali’t Siya ay nagpatawad ng ibang kasalanan bukod dito sa kaninumang Kanyang nais”. (Sūrah An-Nisā 4:48, 116)

ANG ISLAM AY KAPAYAPAAN AT HABAG

SINALIKSIK NI : Brod. Abdulazziz Serna

AUDHO BILLAHI MINASHAITANER RAJIIEM

BISMILLAH HIRRAH MANIRAHIEM
ALHAMDULLILAH RABBIL ALAMIN
WASALATO WASALAMO WA MUHAMMADIN
WA LA ALI WA SABI’IH A JIMAIN A MABAD
ASSALAMU ALAYKUM WARAH MATULAHI WA BARAKHATU


ANG ISLAM AY KAPAYAPAAN AT HABAG

Sa Ngalan ng Allah, ang Mapagpala, ang Mahabagin

Ang Banal na Qur’an ang huling pahayag ng Diyos at pandaigdigang mensahe sa sangkatauhan. Ang Banal na Qur’an ay may mahalagang ginagampanan sa araw-araw na buhay ng mga Muslim. Ang ugnayang panlipunan, bilang isang mahalagang bahagi ng buhay, ay may likas na kinalalagyan sa Islamikong batas ng patnubay na nababatay sa Banal na Qur’an, sa Hadith at sa mabuting halimbawa ni Propeta Muhammad (saws). Sa panahon natin ngayon na maraming lipunang may iba't ibang pananampalataya, ang mga katuruan ng Islam ay higit na makahulugan at mahalaga sa ganitong pakikipag-ugnayan.

Ang mga Islamikong katuruan ay nagbibigay-diin sa mahusay na pakikitungo sa kapwa, Muslim man o may itinanging ibang pananampalataya. Hindi na kailangang banggitin pa na ang mabuting pakikipagkapwa ang siyang susi ng isang matibay na panlipunang pagkakabuklod. Ang Propeta (saws) ay paulit-ulit na nagsabi sa mga Muslim na kumilos bilang mga huwaran sa pakikipagkapwa-tao. Ang kanyang pagmamasid ay katulad ng sumusunod: “Sinuman ang naniniwala sa Allah at sa Kabilang Buhay ay hindi dapat manakit ng kanyang kapwa.”

Ang buhay ng isang Muslim ay pinamamahalaan at nakikilala sa kanyang pagmamahal at pagsunod sa Allah at sa Kanyang mga Sugo, at sa paggalang sa Kanyang mga nilikha.

Ang mga katuruan ng Islam ay mahigpit na nagbabawal sa lahat ng uri ng pananakot, pananakit at kaguluhan sa lipunan; bagkus ang mga ito ay nananawagan tungo sa kapayapaan, awa, pagmamahal at kapatawaran, hindi lamang sa mga Muslim at mga di-Muslim kundi pati na rin sa mga hayop.

Ang Makapangyarihang Diyos ay nagpahayag sa Banal na Qur’an: Sinuman ang sadyang pumatay sa isang mananampalataya ang kanyang kaparusahan ay Impiyerno, na kung saan siya ay mananahanan magpakailanman, at ang Poot at Sumpa ng Allah ay mapapasakanya, at inihanda para sa kanya ang malaking kaparusahan. (Qurán 4.93)

Ang Islam ay nagliligtas ng buhay at nagbabawal sa lahat ng uri ng pagpapakamatay. Mababasa sa Banal na Qur’an: Huwag patayin ang inyong mga sarili, Katotohanan, maawain ang Allah sa inyo. (Qur’an 4.29)

وأثنى الله الذين آمنوا بسبب تعاطفهم مع الحاجة :... وأنها توفر المواد الغذائية على الرغم من أنهم يحبون ذلك ، والفقراء والأيتام والسجناء ، وقال (على عمق قلوبهم) : "أنت غذيت نحن فقط من أجل مرضاة الله ، ونحن لا نطلب لكم الثواب والامتنان. (القرآن الكريم 76:8-9)


Pinuri ng Allah ang mga nananampalataya dahil sa kanilang pagdamay sa mga nangangailangan: ...at sila ay nagbibigay ng pagkain bagama't mahal nila ito, sa mga mahihirap, ulila at mga bilanggo, na nagsasabi (sa kaibuturan ng kanilang mga puso): "Kayo ay pinakain namin para lamang sa kasiyahan ng Allah. Hindi kami humihingi sa inyo ng gantimpala at pasasalamat. (Qur’an 76:8-9)


Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsisilbing habag para sa lahat ng nilikha. Mababasa sa Banal na Qur’an:
وأنت (يا محمد) ونحن لم ترسل إلا رحمة على كل الخليقة. (القرآن) 21:107

At ikaw (O Muhammad) ay hindi Namin isinugo maliban lamang bilang awa sa lahat ng nilikha. (Qur’an 21:107)

Tungkulin ng isang Muslim ay maging makatarungan, magalang at maawain sa lahat ng may buhay. Sa buong kasaysayan, ang mga Muslim ay sumunod sa mga katuruang ito ng Islam. Ang mga pananampalatayang nasa minorya ay umunlad sa mga lupain ng mga Muslim. Ang mga di-Muslim ay nagtamasa ng pantay na pagkakataon sa mga Islamikong bansa at nagpahayag at nagsakatuparan ng kani-kanilang mga pananampalataya. Ngayon, habang ang pangmadlang kuru-kuro sa buong mundo ay may damdaming pagmamalabis at ang malisyosong propaganda ay malakas, na naglalarawan sa Islam bilang di-mapagparaya at mapagtangi, may higit na pangangailangang ilathala at tupdin ang mga mararangal na aral ng Islam tungkol sa pagpapairal ng matapat na pakikipag-ugnayan at pakikipamuhay sa mga di-Muslim.

Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi sa kanyang tanyag na sermon sa kanyang huling Hajj noong ika-9 na araw ng Dhul Hijjah, 10 A.H. (589 A.D.) sa Arafat, sa Makkah:

“O bayan, makinig kayong mabuti, dahil hindi ko batid kung ako ay makakapiling pa ninyo pagkatapos ng taong ito. Pakinggan ninyo nang buong ingat ang aking sasabihin sa inyo at iparating ninyo ang aking mga salita sa mga hindi nakadalo rito ngayon.”

“O bayan, kung paano ninyo itinuring na sagrado ang buwang ito, ang araw na ito, ang lungsod na ito, ituring din ninyo nang gayundin ang buhay at ari-arian ng bawa't Muslim bilang sagradong ipinagkatiwala. Ibalik ninyo ang mga panindang ipinagkatiwala sa inyo sa mga tunay na may-ari. Huwag ninyong sasaktan ang sinuman upang kayo ay huwag saktan ninuman. Tandaan, tiyak na kayo ay makikipagkita sa inyong Panginoon, at tiyak na Kanyang isasaalang-alang ang inyong mga gawa. Ipinagbawal ng Allah sa inyo ang pagkuha ng patubo (interes); sa gayon, lahat ng pananagutan para sa patubo ay dapat na alisin simula ngayon.”

“Mag-ingat kay Shaytan, para sa kaligtasan ng iyong pananampalataya. Nawala nang lahat ang kanyang pag-asang kayo ay kanyang maililigaw sa malalaking bagay, kaya mag-ingat sa pagsunod sa kanya sa mga maliliit na bagay.”

“O bayan, katotohanang kayo ay may tiyak na mga karapatan tungkol sa inyong mga kababaihan, nguni't sila man ay may mga karapatan din sa inyo. Kung sila ay sumusunod sa inyong karapatan, sa gayon, sa kanila rin ang karapatang pakainin at damitan nang may kabaitan. Pakitunguhan ninyo nang maayos ang inyong mga kababaihan at maging mabait sa kanila sapagka't sila ay inyong mga katambal at mga matapat na katuwang. At inyong karapatang sila ay hindi makipagkaibigan sa sinumang hindi ninyo sang-ayunan, at gayundin naman ay hindi kailanman makikiapid.”

“O bayan, pakinggan ninyo ako nang buong taimtim, sambahin ninyo ang Allah, isagawa ninyo ang inyong limang Salaah (itinakdang pagdarasal) araw-araw, mag-ayuno kayo sa buwan ng Ramadan, at magbigay ng Zakah (itinakdang kawanggawa) mula sa inyong kayamanan. Magsagawa ng Hajj kung ito ay inyong makayanan. Batid ninyong ang bawa't Muslim ay kapatid ng kapwa Muslim. Lahat kayo ay magkakapantay. Walang sinuman sa inyo ang nakahihigit sa inyong kapwa Muslim maliban sa kabanalan at mabuting gawa.”

“Tandaan, isang araw kayo ay haharap sa Allah upang managot sa inyong mga ginawa. Kaya’t mag-ingat, huwag kayong lumihis sa landas ng kabutihan.”

“O bayan, walang Propeta o Sugong darating paglisan ko at walang bagong pananampalatayang lilitaw. Mangatwiran kayong mabuti, kung gayon, O bayan, unawain ninyo ang aking mga salitang ipinahahayag sa inyo.”

ليس الاسلام يعارض الارهاب ولكن فقط لأنه كما تحظر تماما. سجلت الإسلام عن قتل (القتل) بوصفه جريمة خطيرة الثانية ، وحذر أيضا من كلمات النبي محمد (صلعم) : "إن المسألة الأولى سيحكم بين الناس يوم القيامة هو أن التي تنطوي على سفك الدماء "(البخاري، 6533)

Ang Islam ay hindi lamang tumutuligsa sa terorismo kundi ito rin ay nagbabawal nito nang ganap. Sapagka't itinala ng Islam ang pagpatay (murder) bilang pangalawa sa mabibigat na kasalanan, at nagbabala rin sa pamamagitan ng mga salita ni Propeta Muhammad (saws): “Ang mga unang usaping hahatulan sa pagitan ng mga tao sa Araw ng Paghuhukom ay yaong kinasasangkutan ng pagdanak ng dugo.” (Al-Bukhari, 6533)

تشجيع المسلمين أيضا على أن يكون نوع من الحيوانات ويحظر ايذاء لهم. النبي محمد قال ذات مرة : "عوقبت لأنها امرأة سجنت قط حتى توفي. وبالتالي ، كان محكوما عليه النار. في حين تقتصر، اعطتها الغذاء أو الشراب امرأة، ولا صدر على أكل الحشرات من الأرض "(البخاري 2365).

Hinihikayat din ang mga Muslim na maging mabait sa mga hayop at ipinagbabawal na saktan ang mga ito. Minsan si Propeta Muhammad ay nagsabi: “Ang isang babae ay pinarusahan dahil ikinulong niya ang isang pusa hanggang sa ito ay mamatay. Dahil dito, siya ay isinumpa para sa Impiyerno. Habang nakakulong, hindi ito binigyan ng babae ng pagkain o inumin, ni hindi pinakawalan upang kumain ng mga insektong galing sa lupa.” (Al-Bukhari 2365).

كما قال رجل قدم الشراب لكلب عطشان، لذلك الله غفر له ذنوبه بسبب العمل. عندما سئل النبي (المناشير) : "يا رسول الله، ونحن سوف تتلقى مكافأة بسبب تعاطفنا تجاه الحيوانات" وقال : "هناك مكافأة من العطف على كل حي" (سورة رواه البخاري 2466)

Sinabi din niyang isang lalaki ang nagbigay ng inumin sa isang uhaw na uhaw na aso, kung kaya’t pinatawad siya ng Diyos sa kanyang mga pagkakasala dahil sa gawaing ito. Nang ang Propeta (saws) ay tanungin: “O Sugo ng Allah, kami ba ay magkakamit ng gantimpala dahil sa aming kabutihan sa mga hayop?" Kanyang sinabi: “Mayroong gantimpala sa mga kabutihan sa bawa't may buhay.” (Al-Bukhari 2466)

بالإضافة إلى ذلك ، بينما الحيوان للغذاء ، وأمر المسلمين على القيام بذلك بطريقة التي تسبب الخوف الحد الأدنى فقط، والألم والمعاناة ممكن. قال النبي محمد (صلعم) : "عندما كنت كارفر من الحيوانات، أن تفعل ذلك في أفضل طريقة. تحتاج إلى شحذ السكين للحد من معاناة الحيوانات. "مسلم ( 1955 ) و آل تيرمسدهس،(1409

Karagdagan pa, habang nagkakatay ng hayop bilang pagkain, ang mga Muslim ay inuutusang gawin ito sa pamamaraang magdudulot lamang ng pinakamaliit na takot, sakit at pagdurusa hangga't maaari. Ang Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi: “Kapag kayo ay magkakatay ng hayop, gawin ito sa pinakamabuting paraan. Kailangang ihasa ninyo ang patalim upang mabawasan ang paghihirap ng hayop.” (Muslim, 1955 at Al-Tirmidthi, 1409).

Sa pamamagitan ng mga ito at marami pang ibang katuruang Islamiko, ang gawaing pagpunla ng pananakot sa mga puso ng mamamayan, ang malawakang pagwasak ng mga gusali at ari-arian, ang pagbomba at pagpinsala sa katawan ng mga inosenteng lalake, babae, at bata ay ipinagbabawal lahat at kinamumuhiang mga gawain ayon sa Islam at mga Muslim.

Ang mga Muslim ay sumusunod sa isang pananampalataya ng kapayapaan, awa at kapatawaran, at ang malawak na nakararami ay walang kinalaman sa mga mararahas na pangyayaring isinasangkot sa mga Muslim. Kung ang isang Muslim ay magsasagawa ng matinding pananakot, ang taong ito ay may kasalanan sa paglabag niya ng mga batas ng Islam.

Kahima’t ang isang Muslim ay magsagawa ng krimen o pananakot, ito ba ay nangangahulugang ang lahat ng mga Muslim (mga 2 bilyon ang bilang) ay mga ‘terorista’? At ito ba ay nangangahulugang ang Islam mismo ay nananawagan para sa ‘terorismo’?

Ang mga gawain ng isang tao o maliit na grupo ay hindi nangangahulugang kumakatawan sa mga paniniwala ng isang partikular na relihiyon, ni ang relihiyong ito ang may pananagutan sa ganitong mga gawain. Ito ang dahilan kung bakit ang panlalahat sa ganitong paraan ay sadyang di-makatwiran. Samakatwid, kapag ang media ay nagbabansag sa mga may kagagawan ng ganitong mga gawain na “Teroristang Muslim” at nagsasangkot sa mga ganitong gawain sa Islam, ito ay isang napakalaking kamalian o isang pagtatangkang panlilinlang sa mga tao.

Noong Enero 2002, ang Islamic Fiqh Council ay nagbigay-diin sa katotohanang ang kalabisan sa relihiyon (extremism), karahasan (violence) at terorismo ay walang kaugnayan kahit anupaman sa Islam. Sa katotohanan, ang mga ito ay mga paglalantad ng mga mapanganib na gawaing may mapanganib na kahihinatnan, at isang panlulupig at kawalang-katarungan laban sa isang tao. Sinuman ang buong ingat na mag-aral ng dalawang pinagkunan ng Sha’riah (Islamikong batas) - ang Qur’an at mga tradisyon (Hadith) ni Propeta Muhammad (saws), ay matutuklasang ang mga ito ay walang anumang bahid ng pagmamalabis, karahasan o ‘terorismo’, na nagpapahiwatig ng pagsasagawa ng panlulupig sa iba nang walang makatarungang dahilan. Ang Propeta (saws) ay nagsabi:

مسلم لا ينبغي تخويف المسلمين" ، وقال أيضا : "من سكينا لأخيه، وعنتها الملائكة حتى انها توقفت، على الرغم من انه (الضحية) وكان له الأخ كامل "(مسلم

“Ang isang Muslim ay hindi dapat manakot ng kapwa Muslim.” At sinabi rin niya: “Sinuman ang magtutok ng patalim sa kanyang kapatid, ang mga anghel ay susumpain siya hanggang sa siya ay tumigil, kahima't siya (ang biktima) ay kanyang buong kapatid.” (Muslim)

Tungkol sa mga di Muslim na naninirahan sa mga bansang Muslim sa ilalim ng kanilang pangangalaga, ang Islam ay nag-utos na sila ay nararapat na pakitunguhan nang makatarungan. Ito ang nagbigay sa kanila ng karapatan sa kaligtasan sa mga bansang Muslim, at nagpataw ng kabayarang salapi kapalit ng dugo (blood money) at kapatawaran sa gawang pagpatay laban sa sinuman sa kanila at nagpataw ng buwis sa kanila.

Samakatuwid, ayon sa nabanggit sa itaas, ang katuruan ng Islam ay nagsasabing ang krimen, pagpatay nang walang makatarungang dahilan ay maitutumbas sa pagpatay sa lahat ng tao, anuman ang pananampalataya ng napatay o ng pumatay, at ang kaparusahan at kabayaran ay tanging karapatan ng namumuno, hindi ng bawa't isa o mga grupo.

Ang Makapangyarihang Allah, ay nagsasabi sa Qur’an:

"...والسبب ، طلبنا من الناس في إسرائيل أن كل من يقتل نفسا إلا إذا كان عن الروح (على سبيل التعويض أو المهينة)، أو فساد في الأرض العمل -- يعتبر مشابهة قتل البشرية جمعاء. وأيا كان ينقذ حياة -- يتم التعامل معها مثل إنقاذ البشرية جمعاء. وحقيقة أن رسول قد حان لدينا لهم دليل واضح.. ومع ذلك، فإن حقيقة أن العديد منهم، وحتى بعد ذلك ، كل الأرض هم مذنبون. "(القرآن
(5:32)

“…At dahilan dito, aming ipinag-utos sa Angkan ng Israel na sinumang pumatay ng isang kaluluwa maliban na lamang kung ito ay para sa isang kaluluwa (bilang kabayaran o kaparusahan), o sa gawaing katiwalian sa lupa – ito ay ituturing na katulad sa pagpatay sa buong sangkatauhan. At sinuman ang magligtas ng isang buhay – ito ay ituturing na katulad ng pagliligtas sa buong sangkatauhan. At ang Aming Sugo ay katunayang dumating sa kanila nang may malinaw na katibayan.. Gayunpaman, katunayan na marami sa kanila, kahit pagkaraan nito, sa buong kalupaan ay mga makasalanan.” (Qur’an 5.32)

Bilang pangwakas, kami ay nananalangin sa Allah, Ang Makapangyarihang Diyos, na iligtas ang buong sangkatauhan sa lahat ng uri ng kasamaan.

Mga kahulugan:
Qur’an – Ito ang panghuling kapahayagan o batas ng Allah na ipinadala sa huling Propetang si Muhammad sa pamamagitan ni Anghel Gabriel. Ito ay purong Salita ng AllahI at napapanatili sa orihinal na anyo at nasasaulo nang ganap ng maraming Muslim.

Hadith – Mga winika, gawa, ipinagbawal at pinahintulutan ni Propeta Muhammad.

(saws) Sallallahu Alaihi Wassallam. Mga katagang binabanggit sa tuwing sinasambit o naririnig ang pangalan ni Propeta Muhammad, na ang kahulugan: “Nawa’y itampok ng Allah ang pagbanggit sa kanya at ilayo siya sa anumang paninira at iligtas sa anumang."

ANO ANG PANGUNAHING ARAL NG ISANG TUNAY NA RELIHIYON?

GINAWANG ARALIN NI : Brother. Abdulazziz Serna

AUDHO BILLAHI MINASHAITANER RAJIIEM

BISMILLA HIRRAH MANIRAHIEM
ALHAMDULLILAH RABBIL ALAMIN
WASALATO WASALAMO WA MUHAMMADIN
WA LA ALI WA SABI’IH A JIMAIN A MABAD
ASSALAMU ALAYKUM WARAH MATULAHI WA BARAKHATU




ANO ANG PANGUNAHING ARAL NG ISANG TUNAY NA RELIHIYON?




Mahalagang isaalang-alang natin ang mga paksang dapat talakayin upang ganap nating maabot ang layunin ng aklat na ito. Bagaman maraming katanungan ang dapat bigyan ng sapat na kasagutan sa larangan ng relihiyon, pumili tayo ng ilang pundamental na paksang makapagbibigay katatagan upang higit nating maunawaan ang talakayang ito.

Ang relihiyon sa makabagong kahulugan nito ay binubuo ng tao o pangkat ng tao na naglalayong mag-alay ng debosyon at isinasaalang-alang ito bilang isang pananagutan sa isang relihiyosong paniniwala na may kaakibat na pamamaraang umuugnay sa mga relihiyosong pag-uugali, rituwal na pagsasagawa. Ito ay nagsisilbing isang bahagi ng buhay ng tao na tumutugon sa kanyang ispiritual na pangangailangan at bilang isang aspeto rin ng kanyang pamumuhay sa mundong ito. Ang relihiyon ay isang napakalaking bahagi na ginagampanan sa buhay ng tao sapagka’t ito ang nagiging pamantayan niya sa pagbabago ng kanyang pag-uugali at mga gawain at maging ang kanyang pag-asam na makamtan ang ispirituwal na kaligtasan. Ang paniniwala sa relihiyon ay likas na bahagi ng buhay ng isang taong nagnanasang magkaroon ng pagbabago hindi lamang sa pakikiharap niya sa makamundong galaw, higit sa lahat ang kanyang mithiing makamit ang magandang buhay pagkatapos ng kamatayan.

Sa kabilang dako naman, ang Islam ay nagbibigay kahulugan sa relihiyon sa higit na malawak na konsepto na kung tawagin sa salitang arabik ay Deen. Ang relihiyon ay bahagi lamang ng pananalampalatayang Islam sapagka’t sakop nito ang isang ganap na pamamaraan ng Buhay, maging ito ay pampamilya, pangkalakalan, panlipunan, pamahalaan, pangkalikasan, agham at kaalaman, politikal, ispirituwal at relihiyon, kaisipan, atbp. Samakatuwid, ito ay isang pamamaraang ipinagkaloob ng Tagapaglikha upang mabuhay ang tao sa ilalim ng Kanyang mga batas, kautusan, at ayon sa tamang paniniwala at pagkilala sa Kanya. Bilang ganap na pamantayan ng buhay ng tao, hindi lamang nito itinataguyod ang pagkilala at pagsamba sa nag-iisang Diyos, bagkus inilalahad din sa kabuuan nito ang mga pamamamaraan ang pagpapatupad ng mga pamamaraan itong naayon sa batas ng Allah (SWT). Sa maikling kahulugan nito, ang pisikal at ispiritual na pangangailangan ng tao ay tinutugunan ng pananalampalatayang Islam. Taliwas sa ibang lipunan na ang pamahalaan at ang Simbahan ay magkahiwalay. Ang Islam ay kaiba, ang batas ay mula sa Allah (SWT) at hindi batas na ginawa lamang ng tao. Ang Allah (SWT) na Siyang may likha ng tao at Siya lamang ang may lubos na kaalaman kung ano ang angkop at makabubuti sa kanyang mga nilikha. Sa katunayan, ang panlipunang batas na ipinaiiral ng isang tunay na Islamikong bansa ay hango sa Banal na Aklat ng Allah (SWT), ang Qur’an.

حقا ، نحن كشفت لك (يا محمد) الكتاب (القرآن الكريم) مع الحقيقة ل(توجيهات) بشرية. انه يتلقى توجيهات محسنة روحه ، لكنه خسر
روحه معطوب. تسميهم أنت (يا محمد ع) كمدير معهم. القرآن الكريم : الزمر [41] :39

Katotohanan, aming ipinahayag sa iyo (O Muhammad) ang Aklat (Qur’an) nang may katotohanan para sa (patnubay ng) sangkatauhan. Siyang tumatanggap ng patnubay pinabuti ang sariling kaluluwa; subalit siyang naliligaw ay pininsala ang sariling kaluluwa. Ni hindi ka itinalaga (O Muhammad SAS) bilang tagapamahala sa kanila. Banal na Qur’an :Az-Zumar [39] :41

Sa kapakanan ng mga mambabasa na hindi pa Muslim, gagamitin ang salitang “relihiyon” bilang pinakamalapit na kahulugan ng salitang “deen” upang maging payak at maunawaan ang paksang bibigyan ng daan.

                            SINO ANG TAGAPAGTATAG NG RELIHIYON ?

Sa unang paksa, naipaliwanag natin na ang tunay na kahulugan ng relihiyon ay isang pamamaraan ng buhay na ipinagkaloob sa atin ng Lumikha upang ang bawa’t tao ay tumahak sa tamang landas. Sa malawak na pananaw nito, walang sinumang tao ang maaaring magtatag ng mga batas o kautusan na ganap na makatutugon sa pangunahing pangangailangan ng sangkatauhan.
Kung ang tunay na kahulugan ng relihiyon ay tamang pamamaraan ng Buhay, samakatuwid walang sinumang tao ang maaaring magtatag ng relihiyon sapagka’t ang relihiyon, sa tunay na diwa at kahulugan nito, ay may lakip na batas na dapat tuparin ng isang tao.
Ang Dakilang Lumikha lamang ang may tanging karapatan na magtatag at magbigay ng relihiyon kaalinsabay ng mga batas at kautusan. At ang relihiyon (pamamaraan ng buhay) ay patuloy Niyang ipinahayag mula pa noong nilikha Niya ang unang tao-(sina Adan at Eba) hanggang sa ihayag ito sa kabuuang anyo kay Propeta Mohammad at patuloy na ipatutupad hanggang sa Araw ng Paghuhukom.
Sa kaisipan ng ibang tao, ang relihiyon ay maaaring itatag ng kahit na sinong tao. Sa katotohanan, kahit sinong Propeta na isinugo ng Dakilang Lumikha ay hindi mga tagapagtatag ng Relihiyon. Ang Relihiyong Kristiyanismo ay hindi itinatag ni Hesukristo, ang relihiyong Judaismo ay hindi itinatag ni Propeta Moises, ang relihiyong Islam ay hindi itinatag ni Propeta Muhammad. Ang mga Propeta ay mga Sugo lamang ng Diyos na binigyan ng karapatan at kakayahan upang isakatuparan ng tamang pamamaraan ng buhay na tinatawag nga natin sa payak na kahulugan na “ relihiyon”. Si Moises ay hindi nagsabi na ang kanyang relihiyon ay Judaismo. Hindi ito matutunghayan sa Lumang Tipan o maging sa kanyang orihinal na Kasulatan na Tawrat. Si Hesus ay walang sinabi na ang kanyang relihiyon ay Kristiyanismo. Walang matutunghayang salita si Hesus na tumutukoy sa Kristiyanismo. Samantala, ang Banal na Qur’an na siyang huli sa lahat ng Banal na Kasulatan ay nagpahayag na ang Islam ang tunay at tanging relihiyon sapagkat ito ay nagmula sa Kanya. Ang Islam ay hindi kathang isip ni Propeta Muhammad bagkus ito ay kanyang ipinamahagi bilang mensahe sa kanya ng Nag-iisang Diyos, ang Allah (SWT). Ang mga Propetang isinugo ng Diyos sa lupa na kinikilala ng sangkatauhan tulad ni Adan, Noah, Abraham, Lot, Ismael, Isaak, Moises, Aaron, David, Solomon, Hesus at ang huli na si Propeta Muhammad ay iisa ang dalang relihiyon. Ito ay relihiyong ng kapayapaan. Sa wikang ginamit ni Moises at Hesus, ito ay tinawag na shalom. Sa wikang ginamit na arabik ito ay Islam-isang katagang hinango sa salitang salam na ang literal na kahulugan nito ay Kapayapaan, kapayapaan sa kapaligiran, kaisapan, kalooban at katawan ng sinumang naghahangad na isuko ang kanyang buong sarili sa Nag-iisang Diyos-ang Allah..

"لا شك أن الدين (الحقيقي) في مرأى من الله هو الاسلام (الطاعة المطلقة والخضوع لمشيئته)" القرآن الكريم : آل عمران [3] : 19

“Katiyakan, ang (tunay) na relihiyon sa paningin ng Allah ay ang Islam (ganap na pagtalima at pagsuko sa Kanyang kalooban)” Banal na Qur’an:Al-Imran [3]:19

At dahil mayroon lamang isang Tanging Diyos, at iisa lamang ang pinagmulan ng tao, samakatuwid isang panuntunan o relihiyon lamang ang ipinagkaloob upang ang lahat ng tao ay magkaroon ng isa at tanging pagkilala sa kanilang Diyos. Hindi Niya binigyan ng sariling relihiyon ang mga Hudyo, at hindi rin naman binigyan ng sariling relihiyon ang mga Kristiyano at hindi rin naman binigyan ng sariling relihiyon ang mga Muslim, bagkus isang Relihiyon ang ipinagkaloob Niya para sa sangkatauhan.

“Katotohanan, Aming ipinadala ang (kapahayagan) inspirasyon sa iyo (O, Muhammad) katulad ng Aming pagpapadala ng (kapahayagan) inspirasyon kay Noah at sa mga propetang (dumating) pagkaraan niya. At Amin ding binigyang inspirasyon si Abraham, Ismael, Isaak, Hakob at ang Al Asbat (labindalawang anak ni Hakob), Hesus, Hob, Jonas, Aaron, at si Solomon at kay David ipinagkaloob ang Zabur (Psalmo). Banal Na Qur’an:An-Nisa [4] : 163

               ANO ANG PANGUNAHING ARAL NG ISANG TUNAY NA RELIHIYON?

Ang pangunahing aral o katangian ng halos lahat ng mga relihiyon ay ang paniniwala sa iisang Diyos o ang Kataastaasang Nag-iisang Diyos na siyang Pinakamakapangyarihan at Nakakaalam ng lahat. Ang mga tagasunod ng bawa’t relihiyon ay naniniwala na ang kanilang Diyos na sinasamba ay katulad ng Diyos na sinasamba ng iba at tanging ang pagkakaiba ay ang pamamaraan ng pagsamba at ang pagkilala sa pangalan Niya. Ang ganitong pananaw ay hindi tinatanggap sa Islam. Ang Islam ay nagtatakda na ang paniniwala ay may kaakibat na gawa na umaayon sa utos ng Dakilang Lumikha. Ang paniniwala sa nag-iisang Diyos, ang pamamaraan ng pagsamba at ang pagkilala sa pangalan Niya ay may tamang pamantayan at gabay na sumasang-ayon sa iisang batas na Kanyang ipinagkaloob. Ang Banal na Qur’an ay nag-aatas na hikayatin ang mga “Angkan ng Kasulatan”, at magkasundo sa iisang salita hinggil sa nag-iisang Diyos:

“Sabihin (O Muhammad) : O Angkan ng Kasulatan (Hudyo at Kristyano)! Halin kayo sa isang salita na makatarungan sa amin at sa inyo, na wala tayong ibang sasambahin maliban sa (nag-iisang) Allah (SWT), at hindi tayo magbibigay ng ano mang katambal Niya, at hindi tayo kukuha ng ibang Diyos maliban sa Allah ,

واضاف "اذا تولوا ، ويقول :" أنت تشهد أننا مسلمون ". القرآن الكريم : آل عمران [3]64

” At kung sila ay tumalikod, magkayo’y, sabihin, “Saksi kayo na kami ay Muslims”. Banal na Qur’an: Al-Imran [3]:64

Ang nasabing Ayat o Talata ay nagbibigay diin sa bawa’t Muslim na hikayatin ang mga Hudyo at Kristyano na magkaisa sa iisang paniniwala na walang dapat sambahin maliban sa nag-iisang Diyos - ang Allah (SWT). Ipinakikilala sa talatang ito ang pagiging makatarungan sa pagkilatis ng katotohanan, at isang salita o ugnayan na kung saan ay magiging katanggap-tanggap sa bawa’t panig.
Ang Kaisahan ng Allah (SWT) ay nagtatagubilin sa tao na IISA lamang ang nararapat na pag-ukulan ng pagsamba. Kasunod nito, nararapat na IISA lamang ang relihiyon na dapat tangkilikin ng tao, magkagayon, makatarungan lamang na IISA din ang pamamaraan ng pagsamba.
At sinabi ng Allah (SWT)

"لا يعبد الله تعالى في اثنين، وقال انه هو الوحيد الله القرآن الكريم :.. إن النحل [16] : 51

"Huwag sumamba sa dalawang Diyos. Katotohanan, Siya lamang ang nag-iisang Diyos. Banal na Qur’an:An-Nahl[16]:51

Ang paniniwala sa Nag-iisang Diyos ay hindi nagtatapos sa simpleng paniniwala lamang, ang paniniwala ay pinagtitibay ng gawa at ang gawa ay nararapat na sumasang-ayon sa kagustuhan ng Nag-iisang Diyos. Samakatuwid, marapat lamang bigyan ng pansin na ang Islam ay nagtuturo ng isang paniniwala sa Nag-iisang Diyos, ang Allah (SWT), na pinagtitibay ng gawa ayon sa kautusan ng Nag-iisang Diyos. Anumang uri ng paniniwala na walang pagsagawa ay itinuturing na walang saysay.
Sa mabilis na paglipas ng panahon ang Kaisahan ng Allah (SWT), ang pagkilala sa IISANG relihiyon at ang iisang pamamaraan ng pagsamba ay nabahiran ng maraming pagdadagdag o pagbabawas. Nagsulputan ang iba’t ibang pananalampalataya na halos lahat ay nag-aangkin na nasa kanila ang kaligtasan. Ang pagtatakda ng Allah (SWT) sa kaganapang ito ay isang pagsubok sa talino ng tao sa kanyang malayang pangangatuwiran upang malaman kung ano ang tama at mali.