Biyernes, Hulyo 15, 2011

ANG MENSAHE NG HUWAD NA RELIHIYON

GINAWANG ARALIN NI : Brother . Abdulazziz Serna


AUDHO BILLAHI MINASHAITANER RAJIIEM

BISMILLAH HIRRAH MANIRAHIEM

ALHAMDULLILAH RABBIL ALAMIN

WASALATO WASALAMO WA MUHAMMADIN

WA LA ALI WA SABI’IH A JIMAIN A MABAD

ASSALAMU ALAYKUM WARAH MATULAHI WA BARAKHATU





ANG MENSAHE NG HUWAD NA RELIHIYON




Maraming sekta, kulto, relihiyon, pilosopiya at kilusan sa daigdig ang nag-aangkin ng tamang landas o ng tanging daan patungo sa Diyos. Paano malalaman ng sinuman kung sino ang tama o kung sila kayang lahat ay tama? Ang paraan upang malaman ang kasagutan ay ang pagbibigay liwanag sa mababaw na pagkakaiba sa mga itinuturo ng maraming nag-aangkin sa tunay na katotohanan, at kilalanin kung ano at sino ang kanilang sinasamba na kanilang itinuturo, tuwiran man o hindi. Ang mga huwad na relihiyon ay may iisang batayan sa pagkakilala sa Diyos. Sila ay nagpapahayag na ang lahat ng tao ay Diyos, o kaya’y may mga natatanging tao na naging Diyos, o kaya’y ang kalikasan ay ang Diyos o kaya’y ang Diyos ay isang bungang-isip lamang ng tao.



Kaya naman masasabi natin na ang puntong mensahe ng huwad na relihiyon ay ang pagsamba sa Allāh (SWT) sa pamamagitan ng pagsamba sa Kanyang mga nilikha. Ang mga huwad na relihiyon ay nag-aanyaya sa mga tao sa pagsamba sa nilikha at tinatawag nilang Diyos ang nilikhang ito o kaya’y bahagi nito. Bilang halimbawa, si Propeta Hesus (AS) ay inanyayahan niya ang kanyang mga tagasunod sa pagsamba sa Allāh (SWT), subali’t ang mga taong nagsasabing tagasunod niya ngayon ay nag-aanyaya sa tao na sambahin si Hesus (AS), at nagsasabi na siya ay Diyos.

Si Buddha ay nagsagawa ng maraming pagbabago tungkol sa makataong panuntunan sa relihiyon ng India. Hindi niya inangkin na siya ay Diyos, ni hindi siya nagsabi sa kanyang mga tagasunod na siya’y sambahin. Gayunman hanggang sa mga araw na ito, karamihan sa mga Budismo na matatagpuan sa labas ng India ay tinatanggap siya bilang Diyos at nagpapatirapa sa mga rebulto na kanilang ginawa sa pagkakilala sa kanyang wangis. Sa paggamit ng naturang panuntunan na makilala ang paksa ng pagsamba, kapansin-pansin ang huwad na relihiyon at maliwanag ang likas na pinagmulan nito. Gaya

ng nasasaad sa Banal na Qu’rān:



"العبادة لديك سواه هي أسماء وهمية والتي أسلافك التي لم يتم إرسالها مع موافقة الله. النظام هو الله : لقد أمرت لك لعبادته ، وهذا هو الدين الصحيح، ولكن معظم الناس غير قادرين على الشعور ". (سورة يوسف 00:40)



“Ang inyong sinasamba bukod sa Kanya ay mga pangalan na kathang-isip ninyo at ng inyong mga ninuno na hindi ipinadala ng Allāh na may kapahintulutan. Ang kautusan ay sa Allāh lamang: Siya ay nag-utos sa inyo na sambahin lamang Siya; Ito ang tunay na relihiyon, subali’t karamihan sa tao ay hindi nakaka-unawa”. (Sūrah Yūsuf 12:40)



Maaaring ipangat'wiran na lahat ng mga relihiyon ay nagtuturo ng mga mabuting bagay, kaya’t bakit pa mahalaga kung alin man sa kanila ang susundin? Ang kasagutan dito ay lahat ng mga huwad na relihiyon ay nagtuturo ng pinakamalaking kasalanan: Ang pagsamba sa nilikhang bagay. Ang pagsamba sa nilikha ay ang pinakamabigat na kasalanan na magagawa ng tao dahil ito ay sumasalungat sa mismong layunin ng Kanyang pagkakalikha. Ang tao ay nilikha upang sambahin lamang ang nag-Iisang Diyos , ang Allāh (SWT) at ito ay maliwanag na sinasabi ng Allāh (SWT) sa Banal na Qur’ān:



واضاف "وأنا خلقت الجن وإلا كنت رجلهم في العبادة". (سورة الذاريات 51:56)



“At Aking nilikha lamang ang Jinns at ang Tao upang Ako ay kanilang sambahin”. (Sūrah Adh-Dhāriyāt 51:56)



Samakat’wid, ang pagsamba sa nilikha na nagbibigay diwa sa pagsamba sa diyus-diyosan ay ang tanging kasalanan na hindi mapapatawad. Ang sinuman na namatay sa ganitong uri ng pagsamba ay hindi pinapatawad ng Allāh (SWT) at wala na siyang pagkakataon na makapasok sa Paraiso. Ito ay hindi haka-haka lamang, bagkus ito ay tunay na ipinahayag sa tao ng Allāh (SWT) sa Kanyang Huling Kapahayagan:

"الله تعالى لا يغفر توفير شركاء معه، لكنه غفر خطايا أيا كان إلى جانب غيرها من يشاء إلى". (سورة

ان- سورة النساء 4:48 و 116



“Katotohanan hindi pinapatawad ng Allāh ang pagbibigay ng katambal sa Kanya, subali’t Siya ay nagpatawad ng ibang kasalanan bukod dito sa kaninumang Kanyang nais”. (Sūrah An-Nisā 4:48, 116)

Walang komento: